Sunday, March 8, 2009

Happy Birthday Kuya!

Lemme share a story about me and my brother.

One Friday evening, after work niya, inaasar ko siya. Kinakantahan ko ng "Kaibigan lang pala, kaibigan lang pala..." kasi i-chinismis siya ng pinsan ko na kumakanta nun habang naliligo at naglalakad sa bahay. Wala namang ibang lyrics daw. Yun lang.

Tapos, nung gabi na yon, nagkukwentuhan kami bago matulog. Patay na ang ilaw. At finally, napaamin ko siya. Busted si Totoy Beebo! At isangh linggo makalipas siyang ma-busted, nung lang niya narealize na busted siya.

Di umiyak yung kapatid ko pero paulit-ulit yung kwento niya. Hanggang sa kung-anu-ano na napagkwentuhan namin. Hanggang sa pag-check namin ay 1 am na. E, around 9 pa kami umakyat para "matulog".

Nagdecide kaming lumabas at bumili ng pagkain sa 7-11. Kwentuhan pa rin.

Pag-uwi namin, nagising si mama, naabutan kaming kumakain. Sabi niya, matulog na kami kasi umaga na.

Akyat naman kami ngayong dalawa. humiga. Kwento ulit. Hanggang sa 4 am na pala.

Nun lang namin napag-isipang matulog kasi mapapagalitan kami ulit pag naabutan pa kaming gising.

***

Bukas, birthday na niya, at first time niyang mag-birthday nang wala dito sa amin. Nung isang linggo ko pa ito pinagpuputok ng buchi. Hindi lang ako makaiyak pag andito sina mama.

Miss ko na si Kuya ko.

***

Para sa pinakapogi at pinakamagaling na Kuya sa balat ng Universe,

HAPPY BIRTHDAY!!!


No comments:

Post a Comment

Share