1. Makinig/manood ng totoong balita at weather forecast bago umalis ng bahay, lalo na pag makulimlim. Kung minsan o madalas may fault ang PAGASA, well, for now, sa Pilipinas, kailangan nating manalig sa kanila. May tama rin naman silang sinabi. I was informed na Signal Number 2 ang Metro Manila by a friend. Di ako nanood ng news JUST THAT DAY. And I was doomed.
2. Huwag pairalin ang hiya, pride at takot mabasa, lalo na pag, heler, umuulan. I was worrying that my shoes will get soaked so, 3 jeepney stops yung pinalampas ko only to find my shoes dripping wet sa Berkeley Squar. The "mall" I got into there has a sign on its door: PLEASE OBSERVE PROPER ATTIRE (Shai's answer: Kasalanan kong bumabagyo at nalubog ako sa baha?!). Stranded, hungry at palakad-lakad ako sa Commonwealth from 10:40am -2:00 pm. Di ako makapara ng private vehicles at truck na masasakyan dahil nahihiya ako. Nag-aantay ako ng magkukusa. Di rin ako sumasakay ng pa-Philcoa lang dahil nag-aantay ako ng magdadala sa akin sa mas malayo kaysa sa Philcoa. Pagsakay ko ng jeep, dulo na lang ng kuyukot ko nakaupo, lahat ng pasahero, basa. At sa Philcoa lang kami naibaba. Basang-basa ako na parang walang payong at nangangatog sa lamig.
3. Magdala lagi ng extra cash, di na uso ang kuripot lalo na pag kumakalam na ang sikmura mo at kailangan mo pang makauwi. Di maiiwasan na may magsamantala kahit buong bayan nagdurusa na, P20 yung binayaran ko sa 5min-tricycle ride na 4 ang nakasakay nung Linggo. Walang space sa Jollibee at McDo Philcoa kaya nag-Greenwich ako. Basa at masisira na ang sapatos ko kaya bumili ako ng tsinelas sa halip na mag-paa. Kung wala akong pera, di ko magagawa yun. Pano na lang ako makakauwi ng Bulacan nung bagyo kung saktong P250 lang ang dala ko? Kailangang magpalipat-lipat ng sasakyan at maglakad nang malalayo bago makauwi pag ang bahay mo, nasa gitna ng Bulacan at nasa pusod ka rin ng Quezon City pag inabutan ng bagyo. Magc-check in na ako sa hotel nung Sabado pero short ako so talagang kailangan kong umuwi. Di ako nakabili ng hapunan dahil nagtitipid ako kahit may pera naman talaga ako nung araw na 'yon. 1 am na ako nakarating sa bahay ng lolo ko, gutom at giniginaw. Buti na lang pinaghanda nila ako ng pagkain at damit.
4. Panatilihin ang constant communication sa magulang, kapatid, kamag-anak at mga kaibigan lalo na pag ganitong malawak ang sakop ng calamity. Mga darlings, di ninyo at di ko rin kayang sukatin ang pag-aalala ng mga magulang lalo na pag di nila kapiling ang mga anak nila. Kahit isang minuto lang, nakakatakot yun para sa magulang lalo't alam nilang may nagbabadyang panganib.
5. Pag alam na pataas na ang tubig o nagpakawala na ng tubig ang dam, magtaas ng gamit, mag-plastic ng mga alam na madaling mabasa, maglaan ng mga emergency bag na may lamang damit, at pinakamahahalagang bagay sa buhay (e.g. cellphones at chargers, birth certificates, etc., kahit isang delata, sabon, pera at anu pa mang prayoridad nyong bagay tulad ng photo album, flash drives, etc.). Lutuin ang mga madaling mapanis na laman ng refrigerator: Adobo, Prito, Daing. Ganyan. Para hindi mabulok, lalo pag nawalan na ng kuryente. Iba na ang handa. May dalawang malalakas na bagyo pang parating.
6.Mag-stock ng tubig sa mga may takip na container o drums. Panlinis man lang ng katawan at gamit. Ibukod ang potable water. Kung kailan itinigil namin ang paglalagay ng tubig sa drum sa likod-bahay dahil maayos na ulit ang daloy ng tubig mula sa NAWASA, tsaka pa bumagyo at hanggang ngayon, mas malakas pa yung ihi ko kaysa patak ng tubig mula sa gripo namin. Ang hirap maglinis at mas lalong mahirap maligo.
7. Pagkatapos ng baha at inabot ang loob ng bahay, huwag muna gamitin ang mga electrical appliances at outlets, patingnan sa electrician at panatilihin munang naka-off ang fuse o circuit breaker. Mas mabuti na ang nag-iingat. Wala ka nang magagawa pag nangingisay ka na sa pagkakuryente.
8. Bago pa tuluyang humupa ang baha, pag halos gangga-paa na lang ang taas at naroon lang din naman sa loob ng bahay, umpisahan nang linisin at alisin ang putik/banlik (Note: HUWAG MANDIRI) dahil unti-unti namang bumaba ang tubig. Mas madaling linisin ang putik pag diluted sa tubig. Pag tumigas na o nangapal na, mas maraming tubig ang makokonsumo nun. Ganun yung ginawa namin kaya mas maaga kami nakatapos maglinis kaysa sa iba dito sa village.
9. Tumulong pag kaya, magpatulong at huwag na mahiya pag hindi na. Hindi masamang humingi ng tulong at lalong hindi masamang tumulong. Mas kaya pag sama-sama. ;-)
10. Mag-pray. Di ako maka-Diyos at sobrang relihiyoso. Pero nung nagpaiku-tikot yung bus na sinasakyan ko nung Sabado ng gabi from Fairview to SJDM to Muzon to Marilao, Bulacan, to Sta. Maria to Sapang Palay to Muzon ulit to Valenzuela to Tigbi (kung saan man yun) to Sta. Maria dahil sa mga closed roads dahil sa matinding baha, bumagsak na pader, putol na tulay, masikip na daan at kung anu-ano pa, wala na akong malapitan from 8:30pm to 1 am, wala na akong malapitan. Siya lang. Nung nakita ko yung dinelubyong public market sa Sta. Maria, Bulacan, malamang di pa okay ang mga kaibigan ko, nagbangka ako mula sa kanto ng village hanggang sa loob ng bahay, makabalita from friends, TV and other people sa delubyongdulot ni Ondoy, di ako talaga nagppray for quite a while, pero wala na. Sa Kanya na talaga dapat ipagpaubaya ang buhay.
Tweet
No comments:
Post a Comment