Friday, April 2, 2010

Fresh from being a freshie.. NOOOOT!

Matapos kong makita sa ilalim ng CRS website na may bukod na namang site para sa enlistment ng mga Freshies, naalala ko yung freshie days ko.

1. Nag-enlist ako sa CW10 kasi pinaniwala ako ng mga naging English teachers ko na magaling akong sumulat. I ended up barely passing the subject. I almost gave up on writing that time.

2. Akala ko ang Judo ay parang boxing so nagtanong ako sa teacher namin (si Miss Reylin) kung kailangan ng handwraps. Tanga ako okay. Pero may silver medal ako after the end of the sem. ;-)

3. Akala ko pag Math 1, Elementary Math. Anong alam ko sa Non-Euclidean Geometry? Wala. Haha. Buti na lang maganda yung prof ko.

4. Wala akong org, pero laman ako ng Tambayan Complex ng Maskom. Yun yung PhilStar Room 2(tama ba?) ngayon. Tumatambay ako sa UP CORE, beside JC. Alam n'yo bang nakapakinig na ako ng FI bago pa ako mag-apply? Though di ko na matandaan yung mga itinanong sa app nila.

5. Clique-ish ang block namin. Ang magkakasama lang parati si Jovan, Yana, Ej at ako, minsan si Cake din. Tapos yung iba, di namin nakakasama. Tapos later on, nagkaroon kami ng bagong circle of friends, may Eng'g na sa amin (JB and Jowi) at Physics (Jerome).

6. Natatandaan ko pa hanggang ngayon ang kauna-unahang dinner ko sa UP. Sinigang na baka ng Rodic's. 5pm pa lang nag-dinner na ako kasi walang bilihan sa may boarding house ko. I miss Hardin ng Rosas.

7. First crush ko sa UP ang seatmate-turned-friend (na nawala after a while). Ang ganda kasi ng mata niya. AS IN. Nagkaroon pa ng time na nailang siyang makibeso sa akin. Ewan ko ba dun. After naman nun, okay na ulit kami. Pero di ko na siya nakikita ngayon masyado.

8. Nung nakatira ako sa KNL, almusal ko usually ay oatmeal or noodles. Lunch sa Katag at dinner with Jovan, Jerome and EJ (pwedeng isa lang sa kanila, pwede ring may ibang kasama) anywhere in Philcoa, Teacher's Village or UP.

9. Nung first time kong pumasok sa school ng nakapambahay (shorts+tshirt), feeling ko nun, achievement yun. Yuck. Haha!

10. May mahaba akong break between 8:30-2:30 ng Mondays at Thursdays. Usuallu nag-aantay lang ako sa Katag from 10-1. Unang dadating si EJ, pag paalis na siya, papalit sina Jovan. At sasabayan ko na sila sa NatSci2 nila.

11. Nung unang beses ko namang pumasok nang naka-skirt (Pink na collared shirt, brown na flowy skirt, doll shoes), nagulat ang mga friends ko. Natatandaan ko, di ako nakilala ni Jowi. Nalurkey si EJ at JB. Pag-alis ko ng Katag, sabi raw ni Jowi, "Ang pretty ni Shai!" Lolz!

12. Pumapasok ako minsan nang naka-stilettos. At wala pang jeep na dumadaan sa NIP nun. So nilalakad ko yun. Kamusta naman.

13. I spend some evenings inside Mini Stop along Maginhawa St. with Jerome. Dapat aral yun e, pero nauuwi sa kwentuhan. Sinusundo niya ako or nagkikita kami after ng Pep Squad training niya (read: 10:30pm-11pm).

14. Napansin ko lang, ang madalas kong pagpupuyat ay kasama si Jerome. Kung saan-saan. Or si Jovan, sa computer shop.

15. Napag-lockan ako ng boarding house ko one night while cramming for a report. Sakto namang naka-confine sa Heart Center yung tatay ko. Nagpasundo ako sa kapatid ko sa gate ng hospital at dun ako natulog--putlang-putla at naninigas sa ginaw.

16. I took 7am classes because I thought I was a morning person. Pag tumatanda sa University, nagiging nocturnal na. Haha.

Namimiss ko yung super jeans + shirt + sneakers days ko.

Gagraduate na pala ako.

Gagraduate ako. Dapat Sana. Please.

*Gagraduate ako sa April 25, 2010* (Repeat after me.)

No comments:

Post a Comment

Share